Binibigyang paanyaya ng Lungsod ng Maynila ang publiko partikular na ang mga Manileño sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna at ng conservation group ng World Wide Fund (WWF-Philippines) na makiisa sa gaganaping Switch Off mamayang gabi bilang pakikiisa sa Earth Hour 2024.
Isasagawa ang nasabing Switch Off event sa Kartilya ng Katipunan kung saan inaasahang ilang performance din ang inaasahan ng mga pupunta ngayong araw.
Kabilang diyan sina Lirah Bermudez, Chedy and Miko, at ang miyembro ng P-Pop Group na SB-19 na si Pablo na kinilala bilang Earth Hour Philippines 2024 Music Ambassador.
Ipinaalala naman ng Manila LGU na libre ang nasabing event at mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng armas, mga flammable materials, alak, at single-used plastics.
Maaari namang magdala ang mga pupunta ng mga reusable tumblers, payong o kapote sakaling umulan, at face mask.
Limitado rin ang parking kaya kung kaya naman daw mag-bisikleta o gumamit ng public transpo ng pupunta para makabas na rin sa carbon footprint.
Magbubukas ang gates ng event sa ganap na 4:30 ng hapon mamaya at ang isang oras na Switch Off sa ganap na 8:30 ng gabi.| ulat ni EJ Lazaro