Magpapatupad ng daily water service interruption ang Maynilad Water Services sa ilang barangay ng apat na lungsod sa Metro Manila.
Sa abiso ng Maynilad, pasisimulan ang water interruption simula Marso 27 ng gabi hanggang madaling araw ng Marso 30, 2024.
Paliwanag nito, may isasagawang maintenance activity sa North B La Mesa Pumping Station sa Quezon City.
Kabilang sa mga maapektuhan ang barangay 176, sa Caloocan, Almanza dos sa Las Piñas, Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa City.
Malaking bahagi ng Valenzuela City, ang maapektuhan tulad ng Barangays Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen.T
de Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Mariancillio Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Runcon, Tagalag, Viente Reales at Wawang Polo.
Dahil dito, pinapayuhan ang affected customers na mag-imbak ng sapat na tubig sa panahon ng water interruption.| ulat ni Rey Ferrer