Patuloy ang pagdating ng ating mga kababayan na nais makauwi ng kani-kanilang mga probinsya para sa Holy Week dito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw.
Ayon kay PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa, as of 2pm ngayong araw, naitala nito ang foot traffic sa 59,102 sa terminal. Mas mataas umano ito kumpara sa pangkaraniwang araw ng Sabado.
Kahapon nang magdamag, naitala naman ng PITX ang foot traffic sa 130,000.
Pero sa kabila nito, ayon kay Calbasa, hindi pa fully booked ang mga biyahe ng bus sa kanilang terminal.
Inaasahan naman na management ng PITX na aabot sa 1.7 milyong pasahero ang dadaan sa kanilang terminal ngayong Holy Week 2024 kung saan karamihan sa bulto ng mga ito ay inaasahan magdaratingan pagsapit ng Miyerkoles Santo at Huwebes Santo. | ulat ni EJ Lazaro