Simula bukas, Marso 24 hanggang Mayo 31, 2024, magdedeploy na ng police personnel ang Quezon City Police District (QCPD) para sa mapayapa at maayos na Semana Santa at panahon ng summer vacation.
Sa panahong ito, inaasahan na ng QCPD ang pagdagsa ng mga manlalakbay at turista at ang pagtaas ng mga aktibidad.
Tiniyak ni QCPD District Director P/Brig General Redrico Maranan, ang pagpapaigting ng seguridad at pagpapahusay ng presensya ng pulisya ngayong panahon ng bakasyon.
Mahigpit na bantayan ng pulisya ang mga simbahan, transportation hubs at terminals, mga lansangan, commercial areas, at iba pang converging points.
May koordinasyon na rin ang QCPD sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Quezon City local government unit para sa deployment ng augmentation upang maiwasan ang anumang untoward incidents.
Higit pa rito, paiigtingin ng Task Force District Anti-Crime Reaction Team (TF-DART), bike patroller, at mobile crew ang kanilang mga patrol sa mga pangunahing lugar.
Hihigpitan din ng pulisya ang checkpoint operations upang matiyak ang seguridad ng mga commuters. | ulat ni Rey Ferrer