Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pamilyang apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit sa 80,000 na pamilya o katumbas ng 392,464 na indibidwal na apektado ng El Niño.
Kabilang sa pinaka-apektado ang Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Wala namang pamilya ang kinailangang ilikas dahil sa epekto ng El Niño.
Kasunod nito, ang patuloy pagpapaabot din ng DSWD ng tulong sa mga rehiyong apektado ng tagtuyot.
As of Mar. 26, sumampa na rin sa P2.7-M halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.
Nananatili ring available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa