Matinding init ng panahon ang nararamdaman ngayon sa Lungsod Quezon.
Sa ulat ng PAGASA Science Garden AWS, nakapagtala na ng 33 degrees Celsius na temperatura at 52% na relative humidity na may heat index o init factor na 37.0°C, kaninang ala-1:10 ng hapon sa lungsod.
Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), kinokonsidera na ito bilang “extreme caution”.
Maaari pa raw na tumaas ito sa mga susunod na oras.
Base sa heat index forecast ng PAGASA, posible pang pumalo sa 40°celcius ang heat index sa Science Garden sa Quezon City ngayong maghapon.
Dahil dito, hinihikayat ng QCDRRMO ang lahat na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng tahanan kung kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init. | ulat ni Rey Ferrer