Sinisikap ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na matunton ang napaulat na umano’y personal data leak sa mga record ng Philippine National Police (PNP).
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng Philippine National Computer Emergency Response Team (NCERT) ng Cybersecurity Bureau.
Sinimulan ng NCERT ang imbestigasyon sa umano’y paglabag matapos makatanggap ng mga link sa isang Azure blob storage na naglalaman ng mga sample na larawan ng mga ID, kabilang ang PNP at NBI clearances, mula sa isang security researcher noong Pebrero 22, 2023.
Sa nasabing security researcher, hindi ibinunyag sa NCERT ang pinagmulan ng data at kung anong asset ng impormasyon ang nakompromiso.
Inulat ng NCERT ang insidente hinggil sa pagkakaroon umano ng breach sa PNP at NBI sa pagitan mula Marso 3-23, 2023.
Itinuturing ng DICT ang insidente bilang isang matinding alalahanin na nagbabanta sa pagiging kumpidensyal, integridad, at privacy ng data user. | ulat ni Rey Ferrer