Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pabalik-balik sa bansang Cambodia at South Korea si Negros Oriental Representative Arnie Teves.
Sabi ni Remulla, may nakuha siyang reliable information na labas pasok sa dalawang bansa ang mambabatas bilang paraan ng kanyang pagtatago.
Noong Lunes, ibinunyag ni Sen. Joel Villanueva, na nakita umano ng isa niyang kaibigan sa South Korea si Rep. Teves.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), pwedeng gawin ng mambabatas ang magpalipat-lipat ng mga bansa dahil mayroon itong valid visa at passport.
Hindi rin daw kailangan ng valid visa sa mga bansang kasapi ng Southeast Asian Nation, kung kayat malayang magpalipat-lipat ng mapagtataguan si Teves.
Sa kanyang pagharap sa virtual press conference noong Lunes, tumanggi ang mambabatas na sabihin ang lugar na kanyang pinagtataguan. | ulat ni Michael Rogas