Pinangunahan ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa 55 na pamilya o 250 na indibidwal na naapektuhan ng sunog sa residential area sa BF Martinville Subdivision, Barangay Manuyo Dos nitong Lunes.
Inalam din ng alkalde ang kalagayan at agarang pangangailangan ng mga nasabing biktima.
Kabilang sa ipinamahaging mga tulong ng lokal na pamahalaan ay ang food packs, dignity kits, sleeping kits, at hygiene kits bilang agarang tugon sa pangangailangan ng mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Kasalukuyang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa Gatchalian Covered Court. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Las Piñas LGU