Nagpasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpirma sa batas na naghahati-hati sa Barangay 176 Bagong Silang sa anim na barangay.
Ayon kay Mayor Along Malapitan, sa pamamagitan nito ay mas mailalapit pa sa mga residente ang serbisyo sa isang itinuturing na pinakamalaking barangay sa buong bansa.
Ayon sa alkalde, ipauubaya na nito sa mga taga-Barangay 176 kung aaprubahan nila ang ipinasang batas.
Naghahanda na ang pamahalaang lungsod katuwang ang COMELEC sa gagawing plebisito.
Sinabi pa ng alkalde na anuman ang magiging resulta ng plebisito, patuloy pa rin na magbababa ang LGU ng mga serbisyo sa mga residente. | ulat ni Rey Ferrer