Hawak na ng Quezon City government ang karagdagang mga gamot na binili nito para mapigilan ang pagkalat ng pertussis o whooping cough sa lungsod.
Kabilang sa mga ito ang mga antibiotics at ang 6-in-1 vaccine na gamot laban sa Pertussis, Diptheria, Tetanus, Hepatitis B, Poliomyelitis, at Haemophilus Influenza.
Una nang nakipagpulong si Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa at DOH Under Secretary Dr. Eric Tayag kay Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay ng pagtaas ng mga kaso ng Pertussis sa lungsod.
Kasama naman sa mga ginagawa ng LGU ang patuloy sa contact tracing, active case finding, at Health Education ang lungsod sa pangunguna ng mga Disease Surveillance Officer ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division.
As of April 1, umabot na sa 28 ang aktibong kaso ng pertussis sa lungsod kung saan lima na rin ang nasasawi.
Pinapayuhan ang lahat na pumunta kaagad sa pinakamalapit na Health Center o pagamutankung makita o maramdaman ang mga sintomas ng Pertussis. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: QC LGU