Mahigit P5.4 milyong pesos na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa loob ng nakalipas na pitong araw.
Resulta ito ng 16 na anti-illegal drug operation na isinagawa ng PDEG mula April 1 hanggang April 7 ngayong taon.
Dito’y nakumpiska ang 264 na gramo ng shabu , 25 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 3-libong piraso ng Marijuana plant at 600 pirasong Marijuana seedling.
Dalawampu’t isang personalidad naman ang naaresto kung saan 12 rito ay mga High Value Individuals.
Binigyan-diin ng PDEG, na magpapatuloy ang kanilang laban sa iligal na droga alinsunod sa utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na siguruhing drug-free ang bawat barangay sa bansa. | ulat ni Leo Sarne