MRT-3, may handog na libreng sakay sa lahat ng pasahero bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na maghahandog ito ng “libreng sakay”para sa lahat ng mga pasahero ng tren bukas, Abril 9, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Sa abiso ng MRT-3, libreng makakasakay ang mga pasahero sa peak hours ng operasyon ng linya mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang MRT-3 ay kaisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, at pag-alaala sa katapangan at kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng buhay para sa kalayaan.

Sa modernong panahon, nariyan aniya ang mga Pinoy na patuloy na isinasabuhay ang kagitingan sa porma ng buong pusong paglilingkod sa kapwa tulad ng medical frontliners, mga kawani ng gobyerno, at sa mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor, sa loob at labas ng bansa.

Ang libreng sakay ng MRT-3 ay bilang pasasalamat at pagkilala para sa lahat na patuloy na nagmamalasakit at nagbibigay-serbisyo sa kapwa para sa ikauunlad ng bansa.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang libreng sakay ng MRT-3 para sa mga beterano ng ikalawang Digmaang Pandaigdig at kanilang kasama na sasakay ng tren sa buong oras ng operasyon ng MRT-3.

Ito naman ay bilang pakikiisa ng linya sa pagdiriwang ng Philippine Veterans Week, bukod sa Araw ng Kagitingan, tatagal ito hanggang Abril 11. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us