Naglabas ng kautusan ang Schools Division Office ng lungsod ng Maynila kaugnay sa oras ng pasok sa mga pampublikong paaralan.
Sa gitna pa rin ito ng matinding init ng panahon na nararanasan sa bansa kung saan umaabot sa danger level ang heat index.
Sa inilabas na memorandum, tuwing alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali lamang ang pasok sa eskwela sa mga public school sa lungsod mula April 11 hanggang May 28.
Hinihikayat din ang mga paaralan na baguhin ang class schedules kagaya ng pagsasagawa ng blended modality.
Sa kabila nito, nakasaad sa memorandum na kailangan pa ring mag-report ng mga guro sa paaralan anuman ang modality para ma-monitor ang aktibidad ng mga estudyante hanggang sa matapos ang school year. | ulat ni Mike Rogas