Muling nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nabawasan pa ng 30 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 195.85 meters.
Gayunman, malayo-layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod sa Angat Dam, bahagya ring nabawasan ang lebel ng Tubig sa Ipo Dam na nasa 99.76 meters.
Kabilang pa sa nagkaroon ng tapyas ang La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa