Pormal nang tinapos ng Quezon City government ang application period nito para sa StartUp QC Business Plan Competition.
Inisyatibo ito ng pamahalaang lungsod na nagbibigay ng financial grants at mentorship sa mga estudyanteng may innovative start-up ventures.
Ayon sa QC LGU, 82 grupo ng mga estudyante mula sa 23 universities, colleges, at senior high schools ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa StartUp QC.
Sunod ngayong isasalang ang mga ito sa screening at evaluation process.
Una nang sinabi ni Mayor Joy Belmonte na magandang venue ang naturang kompetisyon para mahanap ang mga estudyanteng may potensyal sa pagbuo ng isang makabuluhang negosyo.
Target ng LGU an ikasa ang kickoff ng kompetisyon ngayong buwan katuwang ang Local Economic and Investments Promotion Office (LEIPO).
Ang mananalo rito ay maaaring makatanggap ng P100,000 grant. | ulat ni Merry Ann Bastasa