Pagpapaunlad ng housing units sa Bataan, palalakasin pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinapinal na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang partnership sa Balanga City Government sa Bataan.

Ayon sa DHSUD, ito ay para sa housing project na ibibigay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pormal na nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Balanga City Mayor Francis Anthony Garcia, ang isang Memorandum of Understanding tungo sa pagpapaunlad ng housing units sa loob ng Township One Bataan Village, para sa benepisyo ng informal settler families.

Ang naturang proyekto ay kumpleto sa mga pangunahing pasilidad na malapit sa pinagmumulan ng mga kabuhayan upang masiguro ang pananatili ng mga benepisyaryo sa lugar. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us