Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa asawa at pamilya ng Pilipina na namatay sa nangyaring sunog sa Sharjah Tower sa Dubai, United Arab Emirates noong nakaraang linggo.
Kaninang umaga nakausap na ni Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang asawa ng biktima at tiniyak ng opisyal ang buong suporta ng pamahalaan sa kanilang pamilya.
Batay sa ulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Dubai, isang Pilipina ang nasawi, 10 overseas Filipino workers, at dalawang mga bata ang nasugatan sa nangyaring insidente.
Binisita na rin ng MWO-Dubai ang lahat ng mga apektadong OFW upang matingnan ang kanilang kalagayan at maipaabot ang mga kinakailangan tulong.
Sa ngayon, sila ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang hotel na inayos ng mga lokal na opisyal ng Sharjah district.
Samantala, isinasaayos na rin ng MWO-Dubai ang repatriation ng labi ng biktima ng Pilipina na nasawi, habang ang kaniyang asawa na kabilang din sa nasugatan ay nakalabas na sa ospital kahapon at kasalukuyang nagpapagaling.| ulat ni Diane Lear