Walang iniulat na major untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan noong Martes, at ng Muslim holiday na Eid’l al-Fitr kahapon.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, naging pangkalahatang mapayapa ang situasyon sa buong bansa sa dalawang magkasunod na araw.
Matatandaang nagpakalat ng sapat na pwersa ang PNP sa mga mosque, masjid at iba pang lugar para pangalagaan ang seguridad ng mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdiriwang kahapon ng pagtatapos ng Ramadan.
Habang aktibo naman ang pagbabantay ng mga pulis sa mga terminal ng sasakyan at iba pang places of convergence sa inaasahang pagbiyahe ng mga bakasyunista na sinamantala ang magkasunod na holiday. | ulat ni Leo Sarne