Isinulong ni Phil. Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang pagpapalakas ng maritime cooperation sa pagitan ng Phil. Navy, US Pacific Fleet (PACFLT) at Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF).
Ito’y sa kanyang magkakahiwalay na pakikipagpulong kay US Chief of Naval Operations (CNO) Adm. Lisa Franchetti, bagong-talagang PACFLT Commander Adm. Stephen Koehler, at Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF) Chief of Staff Adm. Ryo Sakai sa sidelines ng US Pacific Fleet (PACFLT) Change of Command ceremony sa Pearl Harbor, Hawaii, noong nakaraang linggo.
Dito’y nagkasundo ang mga opisyal na palawigin ang Maritime Cooperation Activities (MCA), training, at personnel competence development sa pagitan ng kani-kanilang mga pwersa.
Ayon kay VAdm. Adaci, naging mabunga ang mga naganap na pag-uusap sa pagpapalakas ng strategic partnership ng tatlong pwersang pandagat, na nagkakaisa sa layuning panatilihin ang kapayapaan at stabilidad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of US Navy