Na-nutralisa ng mga tropa ng 103rd Infantry Brigade ang 3 miymebro ng Daulah Islamiya sa enkwentro sa Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte noong Sabado.
Kinilala ang 3 nasawing terorista na sina: Nezrin Sandab, alyas Firdaus; Saipal Abubacar, alyas Fariz; at Pabo Zainoden Radia, alyas Musab.
Bukod sa 3 bankay na iniwan ng mga nagsitakas na miymebro ng grupo, narekober ng mga tropa sa encounter site ang 3 M14 rifles, 7.62mm ammunition, at 6 na backpack.
Isang sundalo naman ang nagtamo ng “minor injuries” sa naganap na 20 minutong palitan ng putok, na agad na isinugod sa pagamutan at kasalukuyang binibigyan ng medikal na atensyon.
Binati naman ni Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. William Gonzales ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, kasabay ng panawagan sa mga mamayan na ipagdasal ang kaligtasan ng mga sundalo na nagsisikap na wakasan na ang lahat ng banta sa kapayapaan. | ulat ni Leo Sarne