Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na maglabas ng travel advisory kontra sa pagbiyahe sa Israel at Iran.
Ito ay sa gitna ng pagpapadala ng Iran ng drones at missiles sa Israel.
Nanawagan rin si Poe sa embassy officers ng Pilipinas sa dalawang bansang ito na patuloy na i-monitor ang sitwasyon at gawin ang nararapat na pag-iingat, at kung kinakailangan ay limitahan na muna ang kanilang galaw.
Pinatitiyak rin ng senadora ang kaligtasan ng lahat ng mga Pilipino sa Iran at Israel sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Binigyang-diin ni Poe na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel at Iran ang dapat na pinakapangunahing concern ng ating pamahalaan. | ulat ni Nimfa Asuncion