Umabot na sa 219,599 benepisyaryo ang natulungan ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, layon nito na mapabuti ang socio-economic condition ng program participant na naabutan ng tulong, tungo sa mas kapaki-pakinabang na pangkabuhayan at trabaho.
Sakop ng programa ang Micro-Enterprise Development (MD) Track, na nakatuon sa pagpapatatag ng negosyo sa tulong ng pagbibigay ng pinansyal na kapital, pagpapahusay ng mga kasanayan, at pagtatayo o pagsasaayos ng pisikal at natural assets.
Sakop din nito ang Employment Facilitation (EF) Track, na naghahatid naman ng tulong sa mga kwalipikadong miyembro na mas gustong magtrabaho kaysa sa pagsali sa Micro-Enterprise.
Layon ng programa ang pangunahing Capability-Building Program tungo sa pagbabago sa mga mahihirap, at kapus-palad na pamilya at komunidad.
Itoy sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial assistance at matatag na kabuhayan tungo sa pagpapabuti ng lipunan at ekonomiya ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer