P13.3-B halaga ng shabu, nakumpiska sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang P13.3 bilyong halaga ng shabu mula sa isang suspek na sinita sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas kaninang pasado alas-8 ng umaga.

Sa ulat ng Alitagtag Municipal Police Station (MPS) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Ajalon Michael Zarate, residente ng Project 4, Masagana, Quezon City.

Natagpuan sa kanyang minamanehong Foton passenger van na may plakang CBM5060 ang humigit kumulang dalawang tonelada ng shabu, habang iniinspeksyon ito sa checkpoint.

Personal na dumalo sa press conference kung saan iprinisinta ang nasabat na droga si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, Police Regional Office (PRO) 4A (Calabarzon) director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas at Chief of Police ng Alitagtag MPS.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow up operations ang PNP, upang matukoy ang pinanggalingan at pagdadalhan ng nasabat na ilegal na droga. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us