Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang AFP Special Operations Command (SOCOM) sa kanilang dedikasyon sa serbisyo bilang pangunahing “special force operator” ng militar.
Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Brawner sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng SOCOM sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kaninang umaga.
Binati ni Gen. Brawner ang SOCOM sa pamumuno ni Major General Freddie T. Dela Cruz, sa kanilang kontribusyon sa pagpapalakas ng kakayahan ng AFP na tugunan ang mga “conventional” at “unconventional” na hamong panseguridad.
Tiniyak naman ng Heneral ang buong suporta ng AFP sa SOCOM, sa pagsulong ng kanilang kapabilidad sa pangangalaga ng pambansang teritoryo at soberenya. | ulat ni Leo Sarne