Kinilala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang kauna-unahang non-uniformed government agency na accredited bilang Konsulta Package Provider sa Metro Manila.
Naganap ito kasabay ng muling pagpapatibay ng kasunduan ng MMDA at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para isulong ang social health insurance.
Sa paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Pasig City ngayong araw, nagpasalamat si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes sa PhilHealth sa pagkilala na maipatupad ang programang makikinabang ang kanilang mga empleyado at dependents nito.
Pinuri naman ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang MMDA, na mabigyan ng primary care benefit package ang kanilang mga tauhan at dependents nito.
Kasama dito ang health profiling, konsultasyon, diagnostic at laboratory tests, at mga gamot para sa ilang kondisyon tulad ng asthma, diabetes, at hypertension.
Layon ng pinagtibay na alyansa ng dalawang ahensya na pagbutihin ang access sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan dito sa National Capital Region. | ulat ni Diane Lear