Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nasa tamang landas ang “war on drugs” ng pamahalaan, na hindi gumagamit ng karahasan at pagdanak ng dugo.
Pahayag ito ni Abalos kasunod ng pagkakasamsam ng P13.3 bilyong halaga ng high-grade illegal drugs ng Philippine National Police (PNP) CALABARZON sa Barangay Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas.
Aniya, buti na lamang at bago pa man makarating sa kamay ng illegal drugs traders, nasamsam na ito ng mga otoridad.
Huling naitala ang pinakamalaking drug seizure na aabot sa P11 bilyon ang nasamsan sa Infanta, Quezon noong Marso 2022. Hindi bababa sa 10-drug personality ang naaresto noon ng mga otoridad.
Kaninang umaga ng maharang ng mga tauhan ng PNP Alitagtag, Batangas Municipal Police ang isang van na naglalaman ng illegal drugs sa isang intelligence-driven check point.
Nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng van, at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng RA 9165 ng Dangerous Comprehensive Drug Acts. | ulat ni Rey Ferrer