Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas na nakahanda ang kanilang pwersa para tulungan ang mga pasaherong maaapektuhan ng tigil pasada na isasagawa ng PISTON at Manibela hanggang bukas, Abril 16, 2024.
Ayon sa lokal na pamahalaan, naka-standby na ang mga sasakyan ng lungsod at handa itong i-deploy agad para sa pagpapatupad ng libreng sakay kung kakailanganin.
Sa sitwasyon sa Las Piñas sa tuwing may transport strike ay marami pa ring mga pampasaherong jeepney at bus na bumibiyahe.
Matatandaang dahil sa hindi pagkakaunawaan sa jeepeny modernization ay panibagong tigil pasada na naman ang isinagawa ng Piston at Manibela.
Una nang nag banta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng kanselasyon o suspensyon ng prangkisa sa mga jeepney operators o drivers na makikitang nakikigulo. | ulat ni Lorenz Tanjoco