Transport strike ngayong araw, di nakapagparalisa sa transportasyon sa Metro Manila – LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi naparalisa ng transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA ang sitwasyon ng transportasyon sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III, kanina.

Aniya, kung pagbabasehan ang routinary traffic tuloy-tuloy ang pagsakay ng mga pasahero at walang mahabang pila.

Sinabi ni Guadiz, naka-preposition pa rin ang mga itinalagang rescue bus kung sakaling magkaroon ng kakulangan ng mga pampublikong sasakyan.

Gayunpaman, sinabi nito na batay sa kanilang monitoring ay hindi pa kailangan na gamitin ang mga rescue bus. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us