Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamahayag sa bansa na gawin lamang ang kanilang tungkulin nang walang restriksyon.
Lalo’t ayon sa Pangulo, napakahalaga ng critical press sa Pilipinas.
Hindi aniya tulad ng mga nauna sa kaniya, hindi siya nangangailagan ng kolaborasyon sa media, lalo’t kung minsan, nangangahulugan ito na pagsuko ng independence sa trabaho ng mga mamamahayag.
“Unlike many of my predecessors, I do not seek collaboration, for that implies a surrender of your Independence. I am of the opinion that national interest is better served by a press that is critical rather than a press that is cooperative,”
Sa 50th anniversary ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi ng Pangulo na wala dapat maging hadlang sa mga miyembro ng media sa paghahatid ng katotohanan sa publiko.
“It (the press) must have the untrammeled freedom to do its work, not just to arm the citizenry with the truth, but also to deepen discernment in this age of mass disinformation. In fact, this has been the hallmark of FOCAP’s relationship with the presidency and the government for this half century,” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, muling ipinangako ng Pangulo ang pag-protekta sa press freedom, maging ang pagtitiyak ng kapakanan ng mga mamamahayag sa Pilipinas.
“As President, I will seek this forum, not only to explain our policies, but to renew my vow to what I deeply believe in: That the President’s role is to defend press freedom, and not lead in destroying it or demeaning its practitioners,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan