Posibleng umabot sa 49°C ang heat index na mararamdaman partikular sa Cabanatuan City, ngayong long weekend, o sa ika-23 ng Abril, araw ng Linggo.
Ang heat index ay ang pinagsamang init o temperatura ng hangin at ang dala nitong moisture, na nararamdaman ng tao.
Sa briefing ng Laging Handa sinabi ni PAGASA Dr. Marcelino Villafuerte na kahapon lamang, ang pinakamataas na heat index ay naitala sa Dagupan City, alas-2 ng hapon.
Pumalo ito sa 43 degree celcius.
Ayon sa eksperto base sa kanilang datos, simula March 1 hanggang April 20, ang pinakamataas na heat index o 47 degree celcius ay naramdaman sa San Jose, Occidental Mindoro.
“Inaasahan po natin ito gawa ng ang umiiral nating weather system sa kasalukuyang ay itong easterlies na nagdadala ng mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko, tapos mayroon tayong high-pressure system sa northeast ng Philippines. So, ito kaya clear skies tayo. Although ang chances ng thunderstorm ay sa gawing hapon. So, bago po actually mag-start ang pag-ulan or thunderstorm ay nararamdaman muna natin iyong mataas relative humidity kaya iyong heat index po ay pumapalo nang mataas.” — Dr. Villafuerte. | ulat ni Racquel Bayan