Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa matukoy sa ngayon kung kailan madadaanan ang Sales Road sa Pasay City na nakitaan ng malaking butas o sinkhole noong Linggo ng umaga.
Sa isang pulong balitaan sa Pasig City, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na kailangan pang siyasatin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung gaano kalawak ang pinasala nito.
Gaya na lamang kung ano ang pinagmulan ng tagas, sanhi ng butas, at ang epekto nito sa lugar lalo na sa mga poste ng Skyway na nasa ibabaw ng Sales Road.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng opisyal na ligtas pa ring daanan ang Skyway pero kailangan pa rin itong i-assess ng DPWH.
Pinagtutulungan na rin aniya ng Maynilad at ng kanilang service provider, pati na ng DPWH upang matapos na ang pagkukumpuni sa nasabing kalsada. | ulat ni Diane Lear