Kasado na ang panibagong malakihang taas presyo sa produktong petrolyo.
Base sa pinakahuling estima ng mga taga industriya ng langis, posibleng nasa ₱0.80 hanggang ₱1 kada litro ang itaas sa presyo ng Diesel.
₱0.20 naman hanggang ₱0.40 sa kada litro ng Gasolina.
Habang sa Kerosene naman ay ₱0.70 hanggang ₱0.90 ang pwedeng itaas.
Ang naturang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay sinasabing bunsod ng kaguluhan sa Middle East at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan wala namang kontrol ang Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco