Naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel.
Ayon sa DFA nag-aalala ang Pilipinas sa nangyayaring tensyon sa pagitan ng dalawang naturang bansa.
Hinihimok din ng bansa ang Israel at Iran gayundin ang mga ibang stakeholders na gumawa ng paraan tungo sa mapayapang pagkakaayos ng nasabing gulo.
Giit ng DFA na ang Pilipinas ay matagal nang itinutulak ang pagsunod ng iba’t ibang mga estado sa prinsipyo ng international law para maayos ang pag-resolba sa iba’t ibang mga alitan. | ulat ni Lorenz Tanjoco