Licensure exams ng PRC, gawin na ring digital ayon sa isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panahon nang imodernisa ang licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC) gaya ng ginawa ng Korte Suprema sa Bar examination.

Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza, kapuri-puri ang repormang ikinasa ng Korte Suprema gaya ng digitization ng Bar exams.

Umaasa ang mambabatas, na sa matagumpay na digitized Bar exams ay mahihimok ang PRC na ipatupad na rin ito sa iba pang licensure exams upang mas dumami ang mga dekalidad na propesyonal sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang privilege speech ay una nang nanawagan ang mambabatas para sa pag-overhaul sa sistema ng licensure exams, dahil sa napakababang porsiyento ng mga pumapasa.

Umapela rin si Daza sa Commission on Higher Education (CHED), PRC at Board of Nursing nito na repasuhin ang nursing licensure sa bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us