Pinasinayaan ng Bureau of Corrections ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operations Center na susugpo sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Kapwa lumagda ng memorandum of agreement ang BuCor, PNP at PDEA at NBI upang magsama-sama sa pagsupo ng iligal na droga hindi lamang sa New Bilibid Prison maging sa iba’t ibang penal farms sa bansa.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na sa naturang pagtutulungan ng iba’t ibang law enforcement agencies ay makatitiyak na hindi na makakapasok ang iligal na droga sa bawat penal farms ng BuCor.
Dagdag pa ni Catapang na nasa halos 70 to 80% na nakakulong sa mga penal farm ay mula sa illegal drug cases sa buong bansa.
Sa huli tiniyak ni Catapang na makakaasa ang publiko na sa naturang mga pasilidad na ito ay mas papaigtingin pa nila ang pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot na sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio
📷: BuCor