National Schools Press Conference, kasado na sa Cagayan De Oro City sa Hulyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng National Schools Press Conference na gaganapin sa Cagayan De Oro City, ngayong taon.

Batay sa DepEd Memorandum Number 24, series of 2023, isasagawa ang NSPC mula July 17 hanggang 21 kung saan magsisilbing host region ang Northern Mindanao at host Schools Division Office ang Cagayan De Oro.

Ang tema ngayong taon ay “From Campus Journalism to Real-World Journalism: Shaping Minds from Schools to Societies.

Kaugnay nito, nagpaalala ang DepEd na dapat piliin ang mga kalahok sa pamamagitan ng Division Schools Press Conference at Regional Schools Press Conference.

Gayunman, upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga bata ay kailangang isagawa ang DSPC at RSPC pati na ang training programs pagkatapos ng class hours.

Ang NSPC ay taun-taong isinasagawa ng DepEd na may layuning ipakita ang kakayahang unawain ang journalism sa pamamagitan ng execution sa iba’t ibang media platforms at magbigay ng pagkakataon na gamitin ang mga natutuhan sa campus journalism. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us