Ipinangako ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang patuloy na suporta sa Lalawigan ng Basilan, para sa kapayapaan at kaunlaran.
Pahayag ito ni Abalos nang magtungo siya sa Sumisip, Basilan noong weekend, para makiisa sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng tagumpay ng kapayapaan at ang Kalasig-Lasigan Festival.
Nangako ang kalihim na tutulong pa para sa ganap na pag-unlad ng Basilan lalo na sa bayan ng Sumisip.
Sa ngayon aniya, marami nang programa ng pamahalaan ang ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan doon.
Samantala, hinimok din niya ang mga mamamayan ng Basilan na panatilihin ang kapayapaan at magtulungan para sa pag-unlad ng kanilang lalawigan.
Sa nasabing event, iniharap sa kanya ni Governor Hadjiman Hataman Salliman at Sumisip Mayor Jul-Adnan Hataman ang 300 dating miyembro ng Abu Sayyaf na nagbalik loob sa pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer