Gobyerno, pinaaaksyon laban sa wholesale recruitment ng mga pinoy healthworkers patungong ibang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakikilos ni Senadora Pia Cayetano ang gobyerno laban sa sinasabing wholesale recruitment ng mga Filipino healthworkers sa ibang bansa.

Ito ay kasunod ng impormasyon na ilang foreign recruiters ang direkta nang nagtutungo sa mga ospital at mga paaralan at kadalasang nirerecruit ang isang medical team.

Sinabi ng senadora na ang ganitong mga hakbangin ay maituturing na  ‘modern-day colonization.’

Nilinaw naman ng senadora na nirerespeto niya ang karapatan ng bawat Pilipino, nurse man, abogado o nasa iba pang propesyon, na pumili ng kanilang papasukan para sa kanilang kinabukasan.

Ang hindi aniya dapat kunsintihin ay ang pagpasok ng mga foreign recruiters at ang pagsasagawa ng wholesale recruitment na dahilan kaya mapaparalisa ang sektor ng healthcare system sa bansa.

Bagama’t iginagalang aniya ng mambabatas ang karapatang magtrabaho sa ibayong dagat ng mga Pinoy healthworkers, mahalaga pa ring bumalangkas na ng mga hakbangin ang gobyerno para malunasan ang pagkaubos ng mga healthcare professionals sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us