SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagpapasinaya sa life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Philippine Merchant Marine Academy sa San Narciso, Zambales.

Ito ay bilang pagkilala ng PMMA sa paglagda ng dating pangulo sa batas na nagco-convert sa Philippine Nautical School bilang Philippine Merchant Marine Academy noong 1963.

Sa talumpati ni SDS GMA, inalala nito na sa kaniyang administrasyon ay nakapagpo-produce ang PMMA ng 10% ng kabuuang Filipino deck at engine officers sa mga international ships.

Dahilan para sa mataas na OFW remittance na nakatulong para maprotektahan ang bansa mula sa 2008 global recession. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us