Bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya kontra plastic pollution, ay binuksan ng Quezon City Govt ang “Wave of Change” na isang art installation sa QC Hall.
Isa itong 12-feet na art exhibit gawa sa libo-libong plastic straws at iba pang single-use plastics tulad ng plastic bag, plastic utensils, at containers na bawal ipagamit sa mga dine-in customers sa mga restaurant at fast food chains.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kumakatawan ito sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod na mawakasan ang plastic pollution ang makamit ang pagiging climate-resilient at carbon-neutral pagdating ng 2050.
“It is a visual reminder of the urgent need for collective action against environmental degradation,” Mayor Joy Belmonte.
Mula sa dark o madilim na kulay sa gilid, unti-unting lumiliwanag ang exhibit papunta sa gitna, na sumisimbulo ng patuloy na pagpupursige ng QC tungo sa pagiging isang plastic-free city.
Makikita ang Wave of Change sa QC Hall High Rise Building lobby hanggang April 30. | ulat ni Merry Ann Bastasa