Makikilahok din ang Philippine Coast Guard sa group sail activity ng Balikatan 2024 exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at U.S. military.
Ayon kay Balikatan Exercises 2024 Executive Agent Col. Michael Logico ang Group sail o sabayang pagpapatrolya ng mga barko ay tatawagin nang o Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA).
Sinabi ni Logico na bukod sa Phil. at US Navy, makakasama sa MMCA ang Australian Defense Force at Frigate ng French Navy.
Ito din aniya ang unang pagkakataon na makakasama sa aktibidad ang Philippine Coast Guard at US Coast Guard.
Ayon kay Logico, ang sabayang pagpapatrolya ay magsisimula sa bisinidad ng Palawan hanggang sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa. | ulat ni Leo Sarne