Muling nagkasa ng isang training workshop ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng digital transformation strategy ng ahensya.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mahalagang mapaghusay ang digital skills ng mga kawani ng ahensya tungo sa pagmodernisa rin ng social welfare services.
“Digital transformation is no longer a luxury but a necessity. This training represents a crucial step in ensuring our teams are equipped with tools and the right skills to use them effectively. Our goal is to make social welfare services more accessible, transparent, and responsive to the needs of the Filipino people,” DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Nakatutok naman ang 5-day training workshop ng DSWD na ongoing sa Harold’s Hotel, Quezon City sa pagpapalawak ng data skills ng DSWD employees sa pamamagitan ng paggamit ng Tableau, isang business intelligence ICT tool.
Bahagi na rin ito ng ICT Empowerment agenda ng ahensya na nakaangkla sa pagpapalawak ng kapasidad ng mga kawani ng DSWD. | ulat ni Merry Ann Bastasa