Hinimok ni Senate Committee on Higher Education Chairperson, Senador Chiz Escudero si UP Professor and Chancellor Chester Cabalza na maghain nng reklamo sa Commission on Higher Education (CHED) kaugnay ng rebelasyon nito tungkol sa mga Chinese student sa Cagayan.
Base sa pahayag ni Cabalza, nagbabayad ng hanggang dalawang milyong piso ang Chinese students sa mga pribadong unibersidad sa Cagayan kahit pa hindi sila pumapasok sa klase.
Ayon kay Escudero, sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo ni Cabalza sa CHED ay maaaring imbestigahan ng ahensya ang isyu sa pamamagitan ng paglalabas ng show cause order sa St. Paul University sa Tuguegarao.
Kinakailangan aniya ng reklamo dahil isa itong usapin ng academic freedom na maaaring magkaroon ng seryosong
epekto laban sa government regulators na may oversight function sa tertiary schools.
Samantala, sinabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat na agarang busisiin ng CHED ang naisiwalat na’ degree for sale’ at maging istrikto para matigil ang ganitong kalakaran. | ulat ni Nimfa Asuncion