Pormal na reklamo laban sa umano’y seditious na pahayag ni dating Speaker Alvarez, hinihintay pa ng House Committee on Ethics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hihintayin pa ng House Committee on Ethics ang pormal na reklamo laban kay dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez, bago makapagsimula ng imbestigasyon.

Ito’y bunsod pa rin ng panawagan ng ilan sa mga mambabatas na isalang sa ethics committee si Alvarez, dahil sa kaniyang panawagan sa militar na bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maituturing na seditious.

Ayon kay COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, Chair ng Komite, kaiba ito sa sitwasyon ni dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Sa kaso kasi ni Teves, ibinatay nila ang imbestigasyon sa paso o expired na niyang travel authority habang kay Alvarez ay wala pang dokumento na maaari nilang pagbasehan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us