E-bikes, e-trikes, at iba pang kahalintulad na sasakyan, binigyan ng 1 buwang palugit bago ipagbawal sa mga pangunahing kalsada sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang buwang palugit ng pamahalaan bilang adjustment period sa pag-ban o pagbabawal sa mga e-trike, e-bike, pedicab, at iba pang kahalintulad na sasakyan sa pagdaan ng mga ito sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Kabilang na dito ang EDSA, Taft Avenue, Roxas Boulevard, Mindanao Avenue, at iba pa.

Ngayong hapon, inanunsyo ng Pangulo na inatasan na niya ang MMDA at mga lokal na pamahalaan na ipagpaliban muna ang panghuhuli, pagbibigay ng ticket, at pag-impound sa mga mamamataang e-trikes sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

“Dahil nakita ko naman na yung pag-enforce ay napaka-istrikto dun sa mga electric vehicles sa national road ay napanood ko sila sa news, nakakaawa naman talaga.” -Pangulong Marcos Jr.

Sabi ng Pangulo, kung paparahin man ang mga ito dapat ay para lang muna ipabatid sa mga ito ang ipatutupad na pag-ban ng pamahalaan.

“Dapat bigyan naman natin sila ng pagkakataon para alam nila kung ano ba yung bagong rules, papaano sila mag-aadjust. At saka P2,500, ang laking multa niyan, napakabigat niyan para sa kanila, so bigyan natin sila ng isang buwan para alam nila kung ano ba yung dapat nila gawin.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us