Pondo para sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura sa susunod na taon, planong itaas ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatapos na ng Department of Agriculture (DA) ang panukalang pondo ng ahensya para sa taong 2025 na mas mataas kaysa kasalukuyang budget.

Layon nitong isulong ang modernasyon sa sektor ng agrikultura at pangingisda, upang masiguro ang food security at mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa isang pulong kasama ang mga pribadong sektor sa agrikultura, naglatag ang DA ng panukala na higit doble sa kanilang expenditure plan para sa susunod na taon.

Mula sa P208.58 bilyon ngayong taon, magiging P513.81 bilyon ito sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na ang panukalang pondo ay patuloy pang pinaplano, ngunit malinaw nitong ipinapakita ang direksyong tatahakin ng kagawaran.

Hiniling niya ang suporta ng pribadong sektor para maisulong ang budget na ito na gagamitin sa pagpapagawa ng mas maraming farm infrastructures, kabilang ang mga irigasyon at post-harvest facility.

Ayon sa DA, malaking bahagi ng dagdag na pondo ay mapupunta sa mga DA attached corporation gaya ng National Irrigation Administration (NIA), National Food Authority (NFA), Philippine Coconut Authority (PCA), Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), at National Dairy Authority (NDA). | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us