Special Investigation Task Group sa pagpaslang sa Philippine Army major, binuo ng Bulacan PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ang Bulacan Provincial Police Office (PPO) ng Philippine National Police (PNP) ng isang Special Investigation Task Group para tutukan ang kaso ng pamamaslang sa isang Philippine Army Major.

Kinilala ni Bulacan PPO Director Police Colonel Relly Arnedo ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41, may asawa, residente ng Barangay San Roque, Angat, Bulacan, at naka-assign sa AFP-RESCOM General Headquarters.

Base sa salaysay ng secretary ng biktima na naging saksi sa insidente, na nasa loob ng kanyang opisina sa SEM278 Enterprise, sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan si Moreno nang bigla na lamang pumasok ang di nakilalang suspek at agad itong pinagbabaril noong Sabado ng hapon.

Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng itim na motorsiklo habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong “dead on arrival.”

Nanawagan si Col. Arnedo sa sinumang may impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon ng kaso na makipag-ugnayan sa Pulisya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us