Hindi bababa sa 50 kabahayan ang naabo habang 80 pamilya ang apektado matapos sumiklab ang sunog sa Westbank Rd., Brgy. Rosario sa Pasig City ngayong umaga
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Pasig, 5:04 kaninang umaga nang sumiklab ang sunog na umakyat sa ikatlong alarma.
Pawang yari sa light materials at dikit-dikit ang mga nasunog na kabahayan kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.
Sa salaysay ng mga residente sa lugar, isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa kanila dakong alas-4 ng madaling araw kanina at doon na tumambad sa kanila ang nagniningas na apoy.
Dahil dito, agad silang nagsilikas para sagipin ang kanilang mga kagamitan.
Idineklarang fire out ang naturang sunog dakong 6:11 ng umaga. | ulat ni Jaymark Dagala