Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga guidelines para sa pagpapatupad ng Psychosocial Support and Other Interventions for Adolescent Mothers and their Families Project (ProtecTEEN).
Layon nito na pakilusin ang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga ugat ng tumataas na bilang ng mga teenage pregnancy.
Ito ay bilang bahagi ng Social Protection Program para sa Adolescent Mothers and their Children (SPPAMC).
Sinabi DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao na target ng programa na mapabuti ang kapasidad ng mga teenage mother na gampanan ang kanilang inaasahang tungkulin bilang mga magulang ng kanilang mga anak .
Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng direktang serbisyong panlipunan at tulong, referral sa iba pang kinauukulang ahensya, at pag-oorganisa ng mga peer advocates.
Kabilang sa mga interbensyon na ibibigay ay ang mga family healing session; family case management, pagkakaloob ng trabaho o kabuhayan, at tulong sa edukasyon at mga mga aktibidad sa pagbuo ng kakayahan.| ulat ni Rey Ferrer